Mga Mulanayin

Buletin ng MULANAY

Home
Ang Mulanay
Opinion
Messageboard
Mulanayins
Parroquia
Mulan-i
Contact Us
MulaNews
Happenings
Gallery





Mulanay USA Foundation

Noong April 30, 2009, dumalaw sa Mulanay ang founders ng Mulanay USA Foundation, Inc. na sila Edwin Luna, tubong Mulanay  at ang Amerikanang si Nancy Holsapple, pareho silang naninirahan sa Chicago Illinois. Pinuntahan  ang mga proyektong ginagawa nila ng Bondoc Agricultural & Natural Developments Foundation, Inc.(BANDSFI). Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang kanilang Scholarship Program sa PUP Mulanay, ganoon din ang Off-Season Vegetable Production na nasa pangalawang taon na.


Ayon sa mga magsasaka malaking pagbabago sa kanilang ani ang naibigay ng makabagong programang ito ng pagsasaka. Dahil sa dumadami na ang mga magsasakang kasama sa programang ito, lumalaki na rin ang ani o supply kaya naman ipinapangako ng Mulanay USA Foundation na pagaaralan nila at bibigyan pansin ang distribution o pagbabagsakan ng kanilang ani. Ang pangarap ng Mulanay USA Foundation ay matulungan ang lahat ng magsasaka sa Mulanay upang mapagyaman ang mga lupain at matupad ang kanilang mga pangarap na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Hinihikayat ang lahat ng mga Mulanayin sa iba't-ibang sulok ng mundo na sana'y tulungan nilang pagyamanin ang kanilang mga lupain upang pagbalik nila sa kanilang munting paraiso , merong aanihin.


Ngayong simula ng pasukan 2009, tinanggap ng Mulanay USA Foundation ang bagong proyekto sa koordinasyon ng BANDSFI ang programang inilahad ng Bondoc Peninsula Agricultural High School (BPAHS). Ito ay ang Food Processing Project; Flowering and Ornamental Project; Hog Fattening at 100 Heads of Broiler. Ang mga proyektong ito ay malaking tulong sa mga estudyante ng BPAHS dahil karamihan sa  mga batang ito ay hindi makapagpapatuloy ng kolehiyo.


Nagpapasalamat ang Mulanay USA Foundation sa lahat ng mga Mulanayin at mga kaibigan sa buong mundo sa mga ibinibigay nilang tulong upang maging matagumpay ang mga proyekto sa Mulanay.

 
click the link below to see photos